Technical Education & Promotion
Training Courses
Entrepreneurship
Machinery Distribution
Extension Services
Technical Education & Promotion
Training Courses
Entrepreneurship
Machinery Distribution
Ang information hub o info-hub ay isang convergence project ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) Agencies na kinabibilangan ng PHilMech, PhilRice, ATI, at TESDA. Ito ay magsisilbing knowledge hub o mini library para sa mga benipisyaryo ng RCEF.
Pangunahing layunin ng programa na makapagtatag ng komprehensibo at iba’t-ibang impormasyon tungkol sa mekanisasyon sa mga magsasakang benepisyaryo ng RCEF Mechanization Program.
Mapalawak ang kampanya at pagpapalaganap ng kaalaman sa mekanisasyon upang maging competitive ang ating magsasaka.
Magbigay edukasyon patungkol sa mekanisasyon sa mga kababaihan at kabataan (mga asawa’t anak ng miyembrong magsasaka ng FCA).
Makapagbigay ng impormasyon at kaalaman sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng libreng access sa mga Information, Education, and Communication Materials (IECM).
Magsilbing platform venue upang makapagsagawa ng Knowledge, Sharing and Learning (KSL) activities tulad ng panonood ng training videos, campaign meetings, at pagsasanay via online.
Ang mga benepisyaryo ng info-hub ay mga magsasaka na kabilang sa model Farmers’ Cooperative and Associations (FCAs) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program sa pangunguna ng PHilMech.
Handang maglaan ng lugar at mga cabinet na mapaglalagyan ng mga Information, Education, and Communication Materials (IECM) sa loob ng opisina ng kooperatiba o asosasyon.
May kakayahan at handang maglaan ng tao o Person-in-Charge (PIC) na mangangasiwa sa pag-mementina, pagsasaayos, at pag-momonitor sa info-hub.
Handang malaan ng lugar at internet access para sa paggamit ng Smart TV na magagamit sa pagsasagawa ng KSL activities.
I-vavalidate ng Information Officer mula sa PHilMech ang listahan ng mga magsasaka na kabilang sa model FCAs upang ito ay matatagan ng info-hub.
Tatawagan ng Information Officer ang naturang model FCA upang ipaalam ang petsa ng pagtatatag ng info-hub sakanilang opisina.
Ihahatid ng Information Officer ang mga IEC materials at Smart TV na ilalagay sa info-hub ng FCA sa napag-usapang petsa.
Registration Form
Bago makakuha o makahingi ng mga IEC materials mula sa info-hub ay kinakailangan munang magsulat sa registration form at ilagay ang mga sumusunod: petsa, pangalan, kasarian, taong gulang, tirahan, at iyong lagda.
Access
Matapos makapagsulat sa registration form ay maari ng lumapit at makipag-usap sa Info-hub PIC tungkol sa uri ng IEC materials ang nais mong hiramin o kunin. Kung mayroon namang KSL activities ay maari ng maupo sa iyong pwesto.
Evaluation and Feedbaack Form
Matapos makapagbasa o humingi ng mga IEC materials at makasali sa KSL activities ay kinakailangan na magsagot ng evaluation o feedback at ipasa ito sainyong Info-hub PIC.
Hindi dapat kumuha o humiram ng mga IEC materials at makasali sa KSL activity hanggat hindi nakakasulat sa registration form.
Dapat pangalagaan ang IEC materials kung ito lamang ay hiniram. Iwasan itong malukot, mabasa, at masira upang maibalik at magamit pa ng ibang miyembro ng FCA.
Hindi dapat kumuha ng napakaraming IEC materials upang makahingi pa ang ibang miyembro ng FCA.
Dapat ay makinig ng mabuti at tahimik tuwing may KSL activity upang hindi makaistorbo sa ibang miyembro ng FCA.
Hindi dapat gamitin sa personal na kagustuhan ang Smart TV tulad ng panonood ng videos sa youtube at netflix.
Ang pagmo-monitor ng info-hub ay isang kolaborasyon ng Person-in-Charge (PIC) ng FCA at Information Officer ng PHilMech. Sila ang taga-pamahala sa pangongolekta ng registration form at evaluation o feedback form na magsisilbing basehan upang masuri ang kalagayan at estado ng mga naitatag na info-hub. Sa monitoring ay mayroong apat na kategorya:
Failed/Violated - Ito yung may nakamit na violation katulad ng hindi maayos na paggamit ng info-hub.
Probationary - Ito yung wlang nakamit na violation ngunit hindi nagagamit ng maayos ang info-hub.
Good Performing - Ito yung maayos na nagagamit ang info-hub.
Outstanding - Ito yung may maayos na pamamalakad at serbisyo, at may magandang inobasyon sa pangangasiwa ng info-hub.
Ang mga datos na makakalap mula sa Monitoring and Evaluation ng mga naitatag na info-hub ay magsisilbing basehan upang hirangin ang Best Performing Info-hubs.
Maaring miyembrong babae o lalaki ng FCA.
Maayos at masinop sa pag-aayos ng mga IEC materials.
Madalas na pumapasok sa opisina ng kanilang FCA upang mag-bantay ng info-hub.
Madaling lapitan at makausap ng mga miyembrong magsasaka ng kanilang FCA.
Masipag sa pagdalo ng PIC meeting at pagpapasa ng mga reports, registration, at evaluation forms.
Ang nilalaman ng isang info-hub ay mga IEC materials na tungkol sa programa ng RCEF sa kabuuan na makakatulong sa mga magsasaka at dependents nito (asawa’t anak) upang lubos na maunawaan ang makabagong paraan ng pagsasaka.