Department of Agriculture
Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization
RCEF Mechanization Program

RCEF VIRTUAL EXHIBIT INTRODUCTION

Maligayang pagdating sa RCEF Mechanization Virtual Exhibit!

Ito ang kauna-unahang virtual exhibit tampok ang mga makinaryang handog ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF Mechanization Program na isa sa mga mandato ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech).

Ang virtual exhibit ay may layuning mapataas ang paggamit ng mga impomasyon patungkol sa programa pati na rin sa mga teknolohiyang nakahanay dito, mapaigting ang kamalayan at interes ng mga benepisyaryo, at magbigay daan sa mga magsasaka upang isangguni ang kanilang tanong at magbigay ng saloobin tungkol sa programa at makinarya.

Matatagpuan sa virtual exhibit na ito ang mga makinaryang ginagamit sa paghahanda ng lupa hanggang sa pagpapatuyo at paggiling. Kasama rin ang kanilang technical specifications, larawan, bidyo, at mga services centers na maaring bisitahin ng mga magsasaka kung mayroon silang problema sa mga teknolohiyang natanggap.

Halina at silipin!