About Us
Ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay may mechanization component na naglalayong tulungan ang mga magsasakang Pilipino para makipag sabayan sa mga karatig-bansa pagdating sa larangan ng pagsasaka. Sa pamamagitan ng mga makinaryang ipamamahagi ng programa, inaasahang mapahuhusay ang sistema ng pagsasaka at ang kalidad ng serbisyo ng mga magsasaka.
Nilalayon nitong pataasin ang ani, kita at kakayahan ng mga magsasaka na makipagsabayan sa karatig-bansa sa pamamagitan ng angkop na makinaryang magagamit mula produksyon ng palay hanggang makatapos-ani.
1. Isulong at ipakilala sa mga magsasakang Pilipino ang paggamit ng mabisa at tipid na makinaryang pansaka.
2. Bigyan ng pagkakataon ang lahat ng magsasaka na makagamit ng angkop na makinarya sa produksyon ng palay hanggang sa makatapos-ani sa pamamagitan ng samahan at kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka.
3. Palakasin ang lokal na mga tagagawa ng mga makinaryang pambukid sa pamamagitan ng agresibong pagpapaunlad ng teknolohiya, paglinang at paggawa.
Ang inaasahang benepisyo sa paggamit ng makinaryang pansaka partikular sa mga benepisyaryo at gagamit ng makinarya ay ang mga sumusunod:
Mababawasan ng dalawa hanggang tatlong piso kada kilo ang gastusin sa produksyon ng palay sa pamamagitan ng tiyak, mabisa at kumpletong hanay ng makinaryang gamit sa produksyon ng palay.
Mababawasan ng tatlo hanggang limang porsiyento ang nasasayang na butil sa makatapos-ani sa tulong ng angkop at episyenteng makinaryang gamit sa makatapos ani.
Ang mga lehitimo at rehistradong kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka ng palay na may mga kasalukuyang aktibong miyembro.
Ang kooperatiba at asosasyon ng magsasaka ay dapat samahang akreditado ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Dapat sila ay may lupaing sakop na hindi bababa sa 50 ektarya ng palayan. Ito ay kinakailangang pag-aari ng mga regular na miyembro.
Ang lokasyon ng makinarya at pasilidad na matatanggap ay dapat napaliligiran ng mga barangay na may 100 ektaryang palayan o higit pa.
Sila ay may kakayahang mamahala, gumamit at mag mentina ng mga makinaraya at laging handang magsanay.
Handang maglaan ng machinery shed o garahe bilang kaukulang bahagi nila sa proyekto.
Handang Pamahalaan ang proyekto batay sa panukalang alituntunin nito.
Handang sumunod sa itinakdang layunin at tungkulin ng proyekto.
Liham ng hangarin at resolusyon mula sa samahan ng mga magsasaka na nagsasaad ng pangangailangan ng mga makinarya at pagsang-ayon sa paglalaan ng machinery shed para rito.
Katunayan o katibayan ng akreditasyon mula sa kagawaran ng Pagsasaka.
Impormasyon patungkol sa samahan ng magsasaka.
Listahan ng mga miyembro na may kaakibat na sakop ng lupang sinasaka ng bawat isa.
Listahan ng mga makinaryang natanggap na at iba pang impormasyon sa operasyon ng samahan.
1. Itatakda
Kada taon intensyunal na bibigyan o paglalaanan ng mga makinaryang pambukid ang 1,200 hanggang 1,600 na kooperatiba o asosasyon.
Ang kooperatiba o asosasyon na may maayos na performance ay maaring mapili ulit upang mabigyan ng mga makinaryang kulang sa samahan.
Ang pagtakda ay base sa pangangailangan ng samahan (urgency at need-based)
2. Ipaprayoridad
Mga probinsya at munisipalidad na ituturing na palayan o rice producing areas (nasa listahan ng Philippine Rice Industry Roadmap).
Mga kooperatiba at asosayon ng mga magsasaka na may malaking kakulangan sa makinarya.
Ang kagawaran ng Pagsasaka sa pangunguna ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech), kabalikat ang DA-RFOs at lokal na pamahalaan, ay ang naatasan sa pagpapatupad at pagpapamahagi ng mga makinaryang pansaka sa mga kwalipikadong asosasyon ng mga magsasaka, rehistradong jooperatiba at LGUs.
Kasama rin sa gampanin ng DA-PHilMech, katulong ang DA-RFOs, ATI, TESDA at LGUs, ang pagbabahagi ng mga seminar o pagsasanay sa mekanisasyon para sa mga mapipiling benepisyaryo.
Kinakailangan lamang po na makapagbigay ang LGU ng mga sumusunod:
Letter of intent mula sa head of office;
Board resolution mula sa sangguniang bayan o mga katumbas nitong local board;
Profile ng rice production at listahan ng existing facilities.
Mayroon din dapat na shed para sa mga makinarya na matatanggap.
Maari na muling mag-apply o mag-avail ng panibagong makinarya ngunit depende ito sa estado at maintenance ng mga naunang makinarya na naibigay ng management; marapat din na napapakinabangan ng mga miyembro ng kooperatiba o asosasyon, at kadalasan ang paggamit.
Maari na meron silang kakulangan sa requirements o second priority sila sa listahan ng mga tatanggap ng makinarya. Pwede ito na i-request sa PHilMech Field Staff under RCEF Mechanization Program, at alamin ang estado ng mga request o kung ano ang kulang upang makasama na sila sa susunod na pamimigay ng makinarya.
Other Implementing Agencies: