Ang programang ito ay nabuo sa adhikain ng PHilMech na isulong sa mga magsasakang benepisyaryo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program ang paggamit ng mga crop establishment technologies (CET), gaya ng mechanical transplanters at precision seeders, sa kanilang mga palayan na may potensyal na mapabilis ang operasyon sa bukid, bumaba ang production cost, at tumaas ang ani kumpara sa manwal na operasyon.
Ito ay pinangungunahan ng extension services cluster ng PHilMech na binubuo ng Applied Communication Division (ACD), Technology Management and Training Division (TMTD), Enterprise Development Division (EDD), at Facility Management and Field Operations Division (FMFOD). Kasama rin dito ang Program Management Office (PMO) ng RCEF.