About RCEF
Mechanization Program
The Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program helps Filipino farmers become competitive with our neighboring countries.
Through machinery grants and its adoption among the Farmers Cooperatives and Associations (FCAs), it is expected to lessen the production cost by Php3.00/kilo and can save up to 5% of postharvest losses.
Available Agricultural Technologies
Available Technologies
Programs Under RCEF
Ang RPS ay binubuo ng mga makinaryang gamit sa pagpapatuyo ng palay at paggiling ng bigas. Katuwang ang mga makinarya sa paghahanda ng lupa, pagtatanim ng binhi o punla, at pag-aani ng palay, inaasahan ang mas mataas na ani, kita at kakayahan ng mga magsasaka na makipagsabayan sa mga karatig-bansa.
Mga Tanong at Sagot sa RPSAng programang ito ay nabuo sa adhikain ng PHilMech na isulong sa mga magsasakang benepisyaryo ng RCEF Mechanization Program ang paggamit ng mga crop establishment technologies (CET), gaya ng mechanical transplanters at precision seeders, sa kanilang mga palayan na may potensyal na mapabilis ang operasyon sa bukid, bumaba and production cost, at tumaas ang ani kumpara sa manwal na operasyon.
Mga Tanong at Sagot sa CESMachinery Distributions
Ngayon sa programa ng RCEF, ito'y malaking bagay sa aming magsasaka dahil ito ay makakapagpa-taas ng aming kita bilang isang magsasaka at mababawasan ang mga losses. Sa ngayon ipinapaabot ko sa ating gobyerno na sana magpatuloy ang ganitong programa nang sa gayon ay matulungan ng mabuti ang magsasaka upang makaagapay tayo sa ibang bansa na kagaya ng dati, tayo ang nagpapadala ng palay, ngayon umaangkat na tayo. Kaya sa hinaharap sana makatulong tayo sa ating gobyerno na mapataas ang ating ani. At the same time makakatulong sa ating mga magsasaka na upang tumaas ang kanilang kita. Yan lang po maraming salamat sa programang ito.
Abraham Dumuk, Jr.
Chairperson, Kaagapay ng Bayang Sagana Agriculture Cooperative
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Napakalaki pong tulong ang ibinibigay niyo pong makinarya sa amin. Ito po ang tulay para umangat kaming magsasaka lalo na po ngayon na inabot po natin ang krisis na ito. Kaya wala pong sawa ang pamunuan ng Carriedo Malabog. Pasasalamat lalo na po sa D.A. na kaakibat natin sa ating pagsasaka. Maraming salamat po.
Marissa Ferrer
Carriedo Malabog Irrigators Association Inc.
Licab, Nueva Ecija
Kami po ay nagpapasalamat sa PHilMech at kami po ay isa sa nabiyayaan ng Mechanization. Nagpapasalamat po kami kay William Dar at Baldwin Jallorina dito po sa PHilMech at kami po ay isa sa mapalad na nakakuha ng combine harvester para po sa aming mga nasasakupan. Napakalaking tulong po para sa aming pagsasaka para ma-i-angat pa po ang antas ng aming pagsasaka. Maraming salamat po.
Alvin G. Labiano
Guimba-Licab Irrigators Associations
Guimba, Nueva Ecija
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa tulong po ninyo sa aming mga magsasaka, napakalaking tulong po Sir Secretary William Dar sapagkat kame po ay makakapagsaka na po ng maayos dahil nagbigay na po kayo ng magandang makinarya at makakatipid na rin po kami.
Erlinda Calica
President, 4BC2 FIA
Cuyapo, Nueva Ecija
Kami po ay nagpapasalamat po sa programa ng PHilMech na kami po ay makatatanggap ng makinarya. Iyan po ay papakinabangan ng aming mga miyembro. Hindi po sila mamamahalan sa paniningil sa kontrata na kanyang gagawin.
Mamerto F. Dela Cruz
President, FLUME IA, Inc.
Santa Rosa, Nueva Ecija
Kami po ay nagpapasalamat lalong higit kay director ng PHilMech Director Baldwin G. Jallorina at Senator Cynthia Villar sa kanila dahil napasa-amin po ang mga nasabing makinarya. Napakahalaga po sa aming ng makinaryang aming natanggap ngayon sapagkat unang-una napapapadali po ang aming pag-aani at pagbubungkal ng lupa at lalong higit po na schedule ito sa tamang panahon upang maiwasan ang pag labnaw ng aming mga pananim dahil po dito ang aming samahan ay unti-unti ng uunlad at magkakaroon ng kitang hindi namin inaasahan sapagkat napaka laking halaga po ng binigay niyo sa amin na hindi po namin kayang bilhin sa pamamagitan ng sasakyan ngayon po ay natanggap namin ang napakalaking halaga na hindi namin inaasahan.
Alfredo Evangelista
Hiwalayan Farmers Association
San Luis, Aurora
Isang maganda at pinagpalang araw po sa ating araw po sa ating lahat. Ako po si Gregorio Ramos, presidente ng Naguilian Irrigators Service Association Inc. mula sa Naguilian, La Union. Sampu ng mga kasama ko ay taos puso pong nagpapasalamat sa pamunuan at opisina ng PHilMech lalong-lalo na po sa pamumuno ni Sir Baldwin Jallorina at sa lahat po ng kawani nito sa matiyaga nilang pagtulong sa amin upang kami ay mapagkalooban ng mga makabagong makinaryang pang-agrikultura.
Lubos po ang aming pasasalamat sa malaking tulong para umangat lalo ang estado ng aming pamumuhay bilang magsasaka, mapadali ang trabaho at mabawasan ang malaking gastusin sa pagsasaka. Maraming-maraming salamat po. Sana mas marami pa po kayong matulungan katulad namin. Mabuhay po kayo at God bless sa ating lahat.
Gregorio Ramos Jr.
Naguilian Irrigators Service Association Inc.
Naguilian, La Union
Kami po ay nagpapasalamat kay Sen. Cynthia A. Villar dahil sa proyekto niyang RCEF dahil napakalaking tulong po nito sa amin. Of course, sa ating kagalang-galang Sec. Dar, sa PHilMech at sa lahat po ng tumulong para magkaroon kami ng mga machinery.
Lita Mañalac
The Baquero Sur Farmers Agriculture Cooperative
Moncada, Tarlac
Lubos po ang aming pasasalamat mula sa kaibuturan ng aming mga puso, sapagkat nakita namin na ito ay may malaking maitutulong sa mga magsasaka lalong lalo na saming samahan 'pagkat hindi lamang kami ang makikinabang dito kundi lahat ng mga magsasaka na nangangailangan ng makinaryang ito.
Kaya dito ay asahan ninyo na ang ibibigay ng ating pamahalaan ay sisiguraduhin na iingatan namin ito at pagyayamanin para magamit pa sa susunod na saling-lahi para makitang tuluyan ng saling-lahi ang tulong ng ating pamahalaan.
Zacarias P. Bodoy
Bagong Sibol Farmers Association
Dipaculao, Aurora
Kami po ay nagpapasalamat ng higit po sa makinaryang ito dahil malaking tulong po ito sa aming with our rice farming. Kaya thank you po sa PHilMech, sa DA at saka kay Senator Villar.
Mary Angeline Tello
Oneg Landing Camarag Morong Mabalat (OLCAMM) IA, Inc.
Aguinaldo, Ifugao